Quantcast
Channel: Ang Madumi kong isipan...
Viewing all 49 articles
Browse latest View live

Self-Esteem

$
0
0
Napapaligiran ako ng mga anaps na nakataas ang kili-kili. Biglang tumaas ang SELF-ESTEEM ko!


Ikaw wala!

$
0
0
Buti pa yung HTC may Sense... Ikaw wala!



Jeepney Love Story

$
0
0

Puso ko ay natuwa
Nung muli kang makita
Pagka't hindi parin kumukupas
Alaala ng ating lumipas

Gusto ko sanang tawagin ka
Makatabi kahit sandali
At muling maka-bonding
Pero ngayon ay wrong timing

Sa bawat sulap mo't tingin
Ako ay naprapraning
Hindi ko alam ang gagawin
Sa oras na ako'y iyong tawagin

Wag mo sanang isipin na torpe ako
At lalong hindi bitter sayo
Kundi sakto lang ang pamasahe ko
Wala akong panlibre sayo...

Aratilis

$
0
0

Maliit
Mapula
Matamis
Ito ang Aratilis

Tulad ng isang Pangarap ang puno ng Aratilis ay matamis, masarap, makikita kahit saan at higit sa lahat ito ay Libre. 



Maliban sa paglalaro ng golf, xbox, at playstation. Paboritong pastime ng barkada namin ang pag kuha ng bunga ng Aratilis. Boring kung gagawin mo ito mag-isa mas masaya at madali kung team work. Yung iba aakyat sa puno habang yung iba taga salo sa ibaba at yung iba naman ang taga lagay sa plastic na lalagyan. Mas malaki mas okey, mas mapula mas matamis yan ang rules sa pagpili ng bunga.

Matapos mapagod ng mga umakyat sa puno oras na para sa hatian. "One for you, one for you, one for you and one for me" English ang pagdidivide.Sosyal. Pero hindi natin maiwasan ang mga mandarambong. Katulad ng gobyerno may mga buwaya din sa barkadahan. Yung lider ng grupo at yung treasurer na may hawak ng plastic na may aratilis ang makakatikim ng mas malalaki at mas mapupulang bunga. Meron ding Epal, yung mga hindi naman nagpakahirap tapos biglang darating sa hatian makikisali sa one for you one for me. Punyeta sila!

Madalas namin makalaban sa pangunguha ng bunga ang grupo nila Unggoy. Si unggoy ang lider ng grupo. Hindi sya umaakyat ng puno dahil takot daw sya mahulog. Pero bakit unggoy ang tawag sa kanya? "Walang clue tingnan mo nalang" yan yung sabi ng mga kasama nya. Promis.

Minsan nanguha kami ng aratilis sa tabi ng isa sa pinakamagandang bahay sa lugar namin. Hitik ito sa bunga pero medyo may kataasan nga lang. Maya-maya pa ay dumating din ang grupo nila Unggoy at nakisali sa pagkuha. Inis na inis kami dahil sa dami ng puno ng aratilis sa lugar dito pa sila.
"Hoy umalis kayo dito kami nauna!"
"Bakit inyo 'to?"
May TAMA sila. Walang nagmamay-ari sa puno kaya bukas ito sa lahat. Wala kaming nagawa kundi tanggapin ang hamon. Pagalingan at paunahan nalang sa pagkuha ng bunga.

Nabigla ang lahat matapos ang "one for you and one for me" session, kasi tinawag ni Unggoy yung babae na nakatira sa magandang bahay. Ibinigay nya yung parte nya. "Yuuuhuuuyyy" sigawan namin na medyo kinikilig. Crush pala ni Unggoy yung babaeng nakatira duon. Sabagay sino ba naman ang hindi magkakagusto sa kanya eh talaga maganda sya.

Nahihiya pa yung babae tanggapin yung ibinigay ni unggoy kasi naghihiyawan kami sa kilig ng walang patid. Para kang nanunuod ng pelikula ni Bea at John lloyd (disregard mo nga lang ang itsura ni John Lloyd). Matapos iabot sabay tumakbo si Unggoy pauwi ng bahay, hindi ko alam kung bakit pero siguro dahil sa inabot na kahihiyan.

Napansin ko na itinapon nung babae yung ibinigay ni Unggoy. Natakot siguro na baka may gayuma o baka nandiri sa ibinigay. Kahit siguro ako yung babae hindi ko din kakainin yun kahit sabihin nya na walang gayuma. Sa itsura kasi ni Unggoy hindi mo na mapagkakatiwalaan at isa pa bagsak din ito sa Sanitary Inspection. Maghapon ba naman kasi sa kalsada, walang tsinelas tapos may sipon pa. Mas kadiri pa kay yosi kadiri. Hindi tulad ko pogi na malinis pa (joke!)

Mabalik tayo sa aratilis.

Bakit nga ba hindi ito available sa merkado? (sa kahit saan merkado) Dahil ni minsan wala pa akong nakitang nagbebenta neto. Dahil ba sa hindi nila alam paano hahanapin yung buto at itatanim? o dahil walang sustansya ang prutas na ito? Ano nga ba ang sukatan para masabing may demand sa isang prutas?

Sa oras na ito wala na akong nakikitang puno ng Aratilis sa lugar namin. Napalitan na ito ng matitikas na pader, kinakalawang na bakal at simentadong kalsada. Nakakalungkot isipin na ang tinagurian na lokal Cherry ng mga batang pinoy ay wala na.

Unfair para sa puno ng Aratilis.

Matapos kang bigyan ng tamis at saya di mo man lang bibigyan ng importansya. 


Ang puno ng Aratilis ay tulad ng isang pangarap...




Kanina...

$
0
0
Kanina may nakita akong isang matandang lalake ang nakaposas siguro mahigit sa singkwenta anyos na ang edad. Kasama ang tatlong pulis na nasa edad na di lalampas ng tatlumpu't lima. Mabagal ang lakad ng matanda habang nakayuko. Ganun din ang lakad ng tatlong Pulis pero mukhang alisto ang tatlo. 
Pinagtitinginan sila ng mga tao (kasama ako) hanggan sa ipinasok na yung matanda sa sasakyan ng pulis. Matiwasay at maayos ang pagpasok ng matanda. Walang sapak, tadyak o marahas na pagtulak papasok ng sasakyan kahit parang ayaw nito pumasok sa loob.




Wala kasi ako sa Pilipinas

Eksena ni Nobita at Doraemon

$
0
0
Nobita: Doraemon, meron ka ba diyang gamit yung mapapasagot ko agad si Shizuka?
Doraemon: Meron.
Nobita: Ah pahiram ako!
Doraemon: Ayoko nga!
Nobita: Ang damot mo! Bakit naman?!
Doraemon: Kung tunay kang nagmamahal, hihintayin mo sya kahit gaano pa katagal

Gusto ko ulitin

$
0
0
Iba na talaga ang buhay ko ngayon kumpara nung bata pa ako. Bata parin naman ako ngayon, ayoko lang talaga magcompute ng edad ko lumalaki lang ang galit ko sa Math. Nasa kalendaryo pa naman ako, hindi tulad ng ibang nagbabasa ng blog ko wala na. Pero wag kayo mag-alala may Bingo pa, hanggang 75 yun.

Sabi nga nila ang pagiging bata ay ang pinakamasayang stages sa buhay ng tao. Malaya kang gawin ang lahat nang walang iniisip na problema. Ang lahat ay laro lamang.

Matagal ko nang hindi nagagawang ang humalakhak kasama ang mga kaibigan habang nagpapagulong sa damuhan. Nagtatawanan sa walang kwentang bagay na hindi alam kung bakit nga ba (bakit nga ba?). Tanging ang mura naming isip lang ang makakapagpapaliwanag na hindi ko na taglay ngayon.

Madalas ako maglaro sa ulan at kahit pa sa maduduming tubig ng estero wala akong pakealam, ang alam ko lang masaya ako!. Paguwi ng bahay pawisan sa maghapong takbuhan at puro dumi ang damit sabay salubong sa sermon ni nanay. "Ang dumi-dumi mo nanaman! kakaligo mo lang kanina ah!"
Hindi pa uso nuon ang downy isang banlaw kaya bumubula ako sa sermon. Pasok sa kanang tenga labas sa kaliwang tenga.. ganun lang kasimple tanggapin ang sermon. Di tulad ngayon.

Isa pa sa kinagagalit ni nanay ay ang hindi ko pagtulog sa hapon dahil ito ang prime time ng paglalaro namin. Madalas akong tumakas kahit nakakandado ang gate parang si tiyagong akyat kabisado ko kahit nakapikit ang bakod namin, tamang paglukso at paglapag na walang tunog na maririnig.

Kalog at tansing ang paborito ko at ang paglalabanan namin ay balat ng kendi, tansan at sigarilyo. Kapag ang items mo ay kakaiba yung tipong hard to find mataas ang value nito. Kaya naman kung saan saan kami napupunta hanggang makaabot sa pagawaan ng patis at toyo. Medyo malayo na ito pero wala kaming pakealam saan mang sulok yan makakuha lang ng hard to find tansan at balat ng kendi.

Madami rin akong kalokohan nuon, tiyak na di mo mabibilang at kung pwde lang siguro mabilanggo ang bata e tiyak nasa kulungan nako ngayon. Nandyan yung binansagan namin na "storm" yung matandang maputi ang buhok. Galit na galit sya sa batang maiingay tulad namin. Lalabas sya sa bahay para sermunan kami na waepek naman sa amin at lalo pa kaming magiingay sabay takbo at tago. Maya maya muling lalabas at magiinggay ulit. Nangaasar kumbaga. Buti nalang at walang sakit si Storm at di namin sya napatay sa kunsimisyon. Pero balita ko patay na sya ilang taon na din dahil sa katandaan. Sumalangit nawa at patawad po.
Ilang beses ko din nilagyan ng thumbtask ang upuan ng klasmate ko na hanggang ngayon di nila alam na ako ang may sala. Nilagyan din namin ng mga basura ang bag ng klasmate ko, tinanggal namin yung libro at notebook na di nya pansin sabay uwi. Kinabukasan galit na galit hinahanap yung notebook at libro dahil nasermunan daw sya bakit puro kalat ang nasa bag nya paguwi. Ayun wala syang assignment. Parehas na kami. Lamang lang ako dahil dala ko ang libro at notebook sa bahay tamad lang talaga gumawa ng assignment. Naidrawing ko din ang teacher ko na naka bikini sabay kusot at tapon sa basurahan hahahahaha. Binilang ko din ang manerismo ng teacher ko na "Okey... okey class ganito yan!" morethan 40 times nya itong binabangit sa klase -everyday namin itong binibilang. Maswerte pa sya at di namin binibilang yung talsik ng laway nya. Kaya siguro yung klasmate ko sa harap laging may facetowel at lumalabas after ng subject, siguro maghugas ng mukha.

Ang saya sobra.

Hindi tulad ngayon kailangan mong problemahin lahat mula sa isusuot mong damit, pantalon, hairstyle, pati load ng cellphone, Depektibong Gelpren/Boypren, Naglalakihang pores at hindi maubos na tigyawat at maramin pang iba na hindi ko kayang isulat sa dami....

Mineral Water

$
0
0
Isa sa mga pangarap ko ay ang maging isang commercial model dahil napansin ko marami sa mga artista ay nagsimula dito. Pagaartista naman talaga ang gusto kong pasukin dahil ang sabi ni nanay ampogi ko daw! kering keri ko ang pagiging artista.

Si Cesar Montano ang naging paborito kong artista dahil sa makisig nyang tindig at alindog sa mga kababaihan pero parang nagiba ang tingin ko nung nakita ko ang commercial nya sa mineral water. AMPUTAH so GAY!!!!


Ayan ang katibayan na so GAY si pareng Cesar! punyeta inumin mo ba namang ang tubig na ganyan ang pagkakahawak... Hindi pa na swak ang tubig sa bibig nya dahil ngumiti pa! tsk tsk

Sulat para kay EX

$
0
0
Dear Ex,

Kamusta? sana mas masaya ka ngayon kesa nung mag BF/GF tayo. Alam ko marami akong pagkukulang sayo nuon. Gayunpaman mahal na mahal mo parin ako.

Maraming salamat nga pala sa lahat ng pinagdaanan natin. Alam mo bang sobrang saya ko tuwing kasama ka. At yun ang bagay na hindi matutumbasan ng iba.

Alam ko din naman na naging masaya ka sa piling ko maski paano. Wag mong i-deny yan kasi ilang beses kita nahuling nakatitig sa akin. Medyo natakot ako sayo kasi naman kapag tinitigan mo ako para kang manyak! Gigil na gigil at anu mang oras handang kumagat, yun pala kinilig ka lang…

Pasensya na din sa kakulitan ko tuwing itetext kita ng Gudam! Gudafternun! Gudnyt! I love you sweetdreams! Muah muah muah (may kasamang emoticons) Wat gawa mo? kumain ka na ba? At sangkatutak na miscol kapag hindi ka nagreply dahil nagdodownload ka sa kubeta. Sa mga cheesy line ko sayo na kahit korni benta parin sayo. Hindi ko tuloy alam kung pinaplastik mo ako o mababaw ka lang talaga. Sorry pinanganak akong makulet.

Kung minsan para kang chicharon, nakakahighblood ka ambilis mo kasi mapikon ang akala kong debate lang natin nauuwi sa personalan hanggang sa hindi tayo magpansinan. Infairness naman sayo mabilis mawala ang galit mo konting lambing ko lang okey ka na.

Hindi sumagi sa isip ko na darating pala ang araw na ito
Ang araw na kinakatakot ko na hindi na tayo tatawagin mag syota.
Pero ganun talaga nagbabago ang panahon,

Ang pag-ibig parang ulan. Kung kelan di ka handa, saka bubuhos. Kahit magtago ka, mababasa ka. Kung kelan naman nag-eenjoy ka, saka naman titila at mawawala.

Natandaan mo pa ba ang text na ‘to? sana Oo

Nagmamahal,
Ang iyong asawa


Halika laruin mko!

$
0
0
Lumaki ako sa isang lugar na hindi uso ang high-tech na laruan, okey lang naman dahil wala pang inggit ang isip ko. Pero inaamin ko na gusto ko din magkaroon ng Family Computer, eto na kasi ang pinaka astig nuon. Kapag meron ka nito sa lugar namin tatlong bagay lang pumapasok sa isip ko.
Una, ang tatay mo ay seaman, yung pagumuuwi laging naka maong na jacktet at parang may hepatitis - kulay dilaw ang leeg at daliri dahil sa ginto.
Pangalawa, galling middle east ang tatay mo kaparehas ng porma ng seaman pinagkaiba lang nila mas maraming pasalubong na chocolate at may picture sila katabi ang magandang kotse na hindi naman sa kanila. Sila din ang salarin bakit sandamakmak ang Ownertype Jeep na may nakasulat “Katas ng Saudi” (Alam ko mabaho ang katas ng Saudi pero di ko alam na nagiging pera pala iyon at nakakabili ng owner)
Pangatlo, may tita ka sa Japan. Sila ang mga japayuki na sobrang ganda, mapuputi at makikinis. Kaya hindi ako makapaniwala nung minsan pinagmamalaki ng kalaro ko tita nya japayuki, kasi nung makita ko ‘to mukhang kubrador lang ng jueteng, hindi maputi at flawless. “Weh di nga? Yan yung tita mo! Sige nga nasaan ang family computer nyo, pakita mo sakin”

Hindi rin nagtagal nagkaroon din kami ng Family Computer salamat kay tatay, dahil naarbor nya ang lumang family computer ng tito kong seaman, problema lang wala kaming bala kaya nanghihiram pa kami ng 100-in-1 tapos kapag ayaw gumana iihipan yung loob ng bala, baka may dumi lang o kulang sa laway.

Gayunpaman hindi parin kayang tumbasan ng Family Computer ang mga laro ko nuon…

Hindi ko alam ang tawag sa ginagawa naming nuon, parang nagaapir ang mga kamay namin habang kinakanta eto:

Nanay, Tatay
Gusto ko tinapay
Ate , Kuya,
Gusto ko kape
Lahat ng gusto ko ay susundin mo
ang magkamali ay pipingutin ko
Isa Dalawa Tatlo

Ki-Ki-Kinagat ako ng putakti
dinala ako sa makati
binigyan ako ng One...
One two three

Si Si Si Nena ay bata pa, kaya ang sabi niya ay um-um-um-ah-ah.
Si Nena ay dalaga na kaya ang sabi niya ay um-um-um-ah-ah.
Si Nena ay matanda na, kaya ang sabi niya ay um-um-um-ah-ah.

Sarah Sarah princesa
Lavinya Lavinya isnabera
Lottie Lottie iyakin
Pinagalitan ni Mis Minchin

Eto naman yung paraan para malaman kung ikaw nga ba ang magiging taya:

Mangga, mangga hinog ka na ba?
Oo Oo hinog na ako!
Kung hinog ka na ay umalis ka na


JAK EN POY! Hale hale hoy! Sinong matalo syang unggoy!
JAK EN POY! Hale hale hoy! Sinong matalo syang kabayo! (vesion ng baklita)


Monkey monkey anabel how many monkey did you see? (magsasabi ng number yung huling naituro tapos bibilangin, at ang huling bilang maaring alis o taya – hindi maiwasan na magkaroon ng dayaan dahil nabibilang na agad ng naituro kung sino posibleng mataya, maliban nalang kung mahina sa math ang kalaro mo!)

Langit Lupa impyerno,
im im impyerno,
saksak puso tulo ang dugo
patay o buhay dalahin sa ospital
uno, dos, tres sya ang alis... alis!


Chinese garter song:

RED WHITE and BLUE.. Stars over you. Mama said, Papa Said, I LOVE YOU

I... Love... you teleber-teleber
isnooky, dina bonnevie...
sharon, sharon love gabi!
Teleber-teleber...

10-20-30-40-50-60-70-80-90-100
*dead for all – meaning bubuhayin nya ang mga kakamping di marunong magbilang! nyahaha

Eto naman yung pagbibilang ng teks:

Isang babae binarako sa tabi paglabas buntis = 17
Isa-dalawa-tatlo-apat-cha = 9
*Isa=2
*Cha=1

Pang-asar na kanta:

Ang kapal ng mukha. Di na nahiya.
Dapat sa’yo pasabugin ang mukha!
Ulo-ulo lang di kasama katawan,
‘pag kasama katawan, sabog pati laman

One two three asawa ni marie
araw gabi walang panty

Sabihin mo sa ate mo break na kami
nakita ko ang panti nya ganun kalaki

Paboritong laro:
Bahay-bahayan
Luto-lutuan
Shake-shake shampoo
Agawan base
Agawan panyo
Agawan syota
Pikpakboom
Siato
Luksong tinik
Luksong bakla
Habulan-gahasa
Hide and sex

*eto ang blog na dumugo ang utak ko kakaisip sa mga laro namin nuon, marami pang hindi ko na isinama dahil nagka-brain damage ako!


Sent Items

$
0
0
Sinong nagsabing hindi ako Masaya?
Oo hindi nga…
Nandito ako ngayon sa bansa ng mga singkit na may makinis na balat at maiksing palda na hinaluan ng maiitim na amuy shawarma at mga kayumangi na dating pango.
Iba ang PASKO dito!

Mas Masaya parin ang pasko dyan kahit parehas lang tayo ng oras. Pero naisip ko na isang beses lang naman ang pasko sa isang taon pero ang sahod dalawang beses sa isang buwan, mas maraming araw parin ako magiging Masaya.

Pero malungkot ako at gusto ko bumalik ng Pinas sa panahon na ‘to. There’s no place like HOME.

Dito may Christmas tree at parol pero walang diwa di ko maramdaman. parang server na hindi naman nagagamit buti pa yung Domain server kahit luma at nasisira atleast nararamdaman mo at may bakbakan na nagaganap.

Mis ko na kayo at alam ko mis nyo rin ako hayaan nyo pagdating ko tagiisang iphone4 kau

Merry Christmas PVB!
Wag umasa,
Papa Chris

Politiko!

$
0
0
Wala na talaga akong tiwala sa mga politiko ngayon.. Lahat sila Pakingshet!!!!

Imagine nagpa-endorse kay Optimus Prime! Pakshet naman oh!

Namigay ng mani si Ricky Sandoval! hirap kainin neto

Manny-ral Water
Magulo... (ang buhok!) 

 Bading!
Ang Chaka mo! Sarap mo bunutan ng bigote
 Mandaraya! (kamay mo ba talaga yan? parang edited e)
 Eto naman bastos..
At ang panalo sa lahat... Drug Addict!

My son is not a drug user

$
0
0

Chavit: My son is not a drug user


Ronald Singson was arrested at the Customs arrival hall of Chek Lap Kok International Airport last July 11, 2010 for possession of 26.1 grams of cocaine and 2 tablets of diazepam, more commonly known as Valium.

"I am appealing to Congress since my son is one of their colleagues. Wag niyo na dagdagan ang problema dahil biktima lang ang anak ko. Kung pusher o trafficker ang anak ko, wag na po silang lalayo. Ako na ang papatay. Dapat patayin ang mga pusher o drug trafficker na yan," -Chavit Singson

"He was supposed to go back to prison, which was why we were very sad since he would have to spend New Year in prison. The lawyer convinced us to admit so he wouldn't be jailed," -Chavit Singson

Source: http://www.abs-cbnnews.com/nation/01/04/11/chavit-my-son-not-drug-user

 Siguro nga hindi adik anak mo at ikaw yung adik!!! Ulol ka! 

Her name is Lina

$
0
0
"Importante lang naman ang isang bagay kapag kailangan mo, pero kapag hindi na BASURA nalang eto sayo"
 Inaamin ko na naging makasarili ako. Ang gusto ko lang ay yung makuha ang gusto ko.
Ang kulet nya promis! mamatay ka man.
Ginugulo nya ako sa email. Hindi nya ba napapansin na wala na akong gusto sa kanya at iniiwasan ko na sya. Nakuha ko na ang gusto ko! tapos!!!

Minsan nga ni replyan ko na sya sabi ko: "Lina, tama na ang pagpapadala mo sa akin ng email ayoko na! tama na! itigil na natin 'to tutal nakuha ko na ang gusto ko sayo" hindi naman sya nagreply dito.

Hindi ko rin sya masisi kasi ako ang unang lumapit sakanya at nagpapansin kaya siguro feeling close at email ng email. Mabait naman sya at walang kibo kaya inisip ko nalang na siguro napagutusan lang sya na guluhin at bwisitin ang buhay ko. Kung sino? hindi ko alam...

Kaya ayun, nakaisip ako ng solusyon ilalagay ko nalang ang mga email nya as spam email. Hehehe matalino man ang matsing mas matalino parin ang may saging!

Pero kelan lang muli syang nagparamdam sa akin this time hindi na sa email... kundi sa Facebook! WTF

Manila Machine


Manifesto ng tunay na babaero

$
0
0
Disclaimer: Ang manifesto na ito ay nabuo habang nakasakay sa Tren. Kung may pagkakahawig ang mga manifesto na ito sa mga naisulat sa ibang website, hindi  ibigsabihin na kinopya eto. Maaring hindi lang ako isa ang tunay na babaero kundi marami kami sila.



Ang tunay na babaero hanggat maari hindi gumagawa ng facebook o ano mang social network, at kung meron man picture lang at konting information.

Ang tunay na babaero hindi ma-tag sa facebook. Kahit magpost sa wall nya hindi pwede.

Ang tunay na babaero maraming sim card na ibat-ibang network.

Ang tunay na babaero hindi nakikipag-textmate. Maaring trap lang ito.

Ang tunay na babaero maingat at mapanuri sa bawat kilos.

Ang tunay na babaero hindi nagsasabi ng tunay na pangalan.

Ang tunay na babaero hindi basta-basta naniniwala sa mga ka-chat na nagpapadala ng magandang picture.

Ang tunay na babaero hindi namimili ng babae. Lahat pwede.

Ang tunay na babaero hindi dinidiskriminate ang bakla dahil alam nya na may mga kaibigan ito na malalanding babae.

Ang tunay na babaero iginagalang ang babae at dinadamayan ito lalo na kapag may problema.

Ang tunay na babaero parating online pero naka invisible mode.

Ang tunay na babaero friendly.

Ang tunay na babaero walang syota.

Ang tunay na babaero walang ex-girlfriend.

Ang tunay na babaero ayaw makipagholding hands sa matataong lugar.

Ang tunay na babaero bumibitaw ng matitinding banat.

Ang tunay na babaero tumatambay sa eskwelahan, bilyaran, discobar, at nakikipag eyeball.

Ang tunay na babaero hindi nagpapahuli na namboboso dahil alam nya na malaki ang bawas neto sa pogi points.

Ang tunay na babaero maharot.

Ang tunay na babaero maraming baon na joke (jokes).

Ang tunay na babaero maraming kwento, hindi nauubusan kahit magdamagan.

Ang tunay na babaero kaladkarin. Kahit saan sumasama basta may kasamang babae.

Ang tunay na babaero napapa-ibig kaagad ang babae kahit sa text at chat palang.

Ang tunay na babaero hindi nagsasabi ng "I Love You"

Ang tunay na babaero hindi nagreregalo ng bulalaklak.

Ang tunay na babaero hindi nanliligaw.

Ang tunay na babaero hindi nagpupunta sa bahay ng babae.

Ang tunay na babaero hindi tumatambay sa beerhouse.

Ang tunay na babaero hindi nagsasayang ng pera sa babae.

Ang tunay na babaero nahuhuli din minsan, pero minsan lang.

Ang tunay na babaero huli na tinatanggi pa.

Ang tunay na babaero nangangako na hindi na uulitin pero uulit-ulitin parin.

Ang tunay na babaero laging nagsosorry.

Ang tunay na babaero magaling magpalusot at laging may katuwiran.

Ang tunay na babaero malambing.
 
Ang tunay na babaero hard to get (hard muna bago ma-get)

Ang tunay na babaero nagcocontribute ng manifesto ng tunay na babaero...

Alamat ng TT

$
0
0
Wait nyo lang yung drawing ginagawa pa


Nuong unang panahon sa isang malayong lugar ng malabon, may isang kusinero na masipag at masarap magluto. Isang araw sa sobrang pagod nakatulog ang kusinero. At dito na nagsimula ang lahat.....

Nagfiesta ang mga rekado sa kusina dahil walang masesentensyahan sa mainit na kawali.


Patatas: Yahooo!!! akala ko araw ko na!
Talong: Hoy patatas! wag ka magsaya, alam mo naman na dapat ka na maluto dahil nabubulok ka na. Ambaho mo! umalis ka nga sa harap ko!

Si Talong ang pinakamaganda, pinakamakinis at pantasya ng buong kusina. Ngunit taglay nya rin ang hindi magandang ugali. Walang nagbalak manligaw sa kanya dahil dito maliban kay Itlog.


Itlog: Hi Talong... Ang ganda mo ngayon
Talong: Alam ko na yan, pwede ba umalis ka din sa harap ko bugok na itlog!
Itlog: May ireregalo sana ako sayo
Talong: Ano?
Itlog: Mga bulaklak
Talong: Ano naman ang gagawin ko dyan?!
Itlog: Ano ba ang gusto mo lahat ibibigay ko kahit...

Hindi pa man tapos magsalita si Itlog, tumalikod kaagad si Talong at naglakad palayo. Napadaan siya sa tambayan ni Okra ang reyna ng okrayan.

Okra: Aba! Aba! bakit nandito ang nagmamagandang Talong?
Talong: Bakit ikaw ba may-ari ng lugar na 'to?
Okra: Paano kung sabihin kong oo?
Talong: E'di sayo na! saksakmo sa lungs mo.. che!

Biglang dumating si Carrots, ang pinakagwapo, pinakamakisig at kilalang babaero sa buong kusina.

Talong: Eto na pala ang boyfriend ko *sabay halik kay Carrots
Carrots: Ummmhh.. teka... sino ka?

Inakit ni Talong si Carrots nung araw na yun. At bumigay na rin ito. Mga 5 minutes. At dahil likas na malibog babaero itong si Carrots, inaya nya si Talong mag-date sila sa loob ng refrigerator para cool, at para hindi sya makita ng gelpren nya na si Carrotene.

Talong: Nilalamig ako dito...
Carrots: Walang problema yayakapin kita

Syempre sinamantala ni Carrots ang pagkakataon...

Lingid sa kaalaman nila na nagsumbong pala si Okra sa gelpren nitong si Carrotene at huling-huli ni Carrotene ang lampungan ng dalawa. Madali itong lumapit dito at....

Carrotene: Mga walanghiya! Isa kang taksil!!! Ikaw naman Talong mangaagaw ka! *sabay sampal

Tumakbo si Carrotene upang magsumbong sa mga kamag-anak netong mga Bandidong Sibuyas na miyembro ng Al Qaida.

Sumugod sila papuntang refrigerator dala ang mga armas ng sikyuriti guard. Hinanap nila kaagad si Carrots pero dahil isa itong Tunay na Babaero, hindi nila ito nakita. Tanging si Talong lang ang inabutan nila.

Abdul Sibuyas: Nasaan na ang taksil na si Carrots
Talong: Aba MAPA *sabay taas ng kilay
Abdul Sibuyas: Anong MAPA?
Talong: Malay ko, Pakelam ko... Ambobo neto!
Abdul Sibuyas: Pilosopo ka ah... mga tropa sunugin ang kelot na 'to

Dahil saging lang ang may puso. Ginahasa muna nila si Talong bago tuluyang sunugin.

Sunog at lasog-lasog ang katawan nito.

Nalaman ito ni Itlog at nagmamadali na makarating sa pinangyarihan... ngunit hindi nya na naabutan pang buhay si Talong.

Itlog: Magpapakamatay nalang ako!

Kumuha sya ng lubid at itinali ito sa kisame at isinabit sa leeg.

Blaaag!! Nahulog sya mula taas dahil lumusot lang ang leeg nya sa tali. At hindi pa sya DEAD. Naisip nya na wala naman pala syang leeg dahit itlog sya. Kaya nagisip sya muli ng ibang paraan.

Itlog: Tatalon nalang ako sa mataas na lugar.

At tumalon nga si Itlog...

Plak! Basag ang pula ni itlog.

Naglabasan ang mga Chismosong Paminta at Asin upang kumuha ng chika sa pagkabasag ni Itlog.

Dito na nagising ang kusinero at nakita nya na may Talong na nakahandusay at Itlog na basag. Pinaghalo nya ang dalawang ito at nilagyan ng paminta at asin.

At tinawag nya itong... Tortang Talong.

Tortang Talong = Talong na tinorture at nilagyan ng itlog, paminta at asit tska pinirito.

Moral Lesson: Wag chismoso. Ayan nadamay pa tuloy kayo (paminta at asin)

Article 12

$
0
0
"Kung may humihingi ng opinyon mo, bigyan mo ng Opinyon lang" 
Wag mo na dagdagan... Opinyon ko lang naman

Sulat (para kay bertuchi)

$
0
0

Diabetic na yata ako kasi ilang taon na ang nakalipas pero hindi parin gumagaling ang sugat na iniwan nya sa akin at sa tuwing makakakita ako ng magsyota na magkaholding hands kumikirot ito at muling sumasariwa ang nakaraan.

Ganito kasi kami nuon, halos ayaw namin bitawan ang isat-isa, kaya nung nawala sya feeling ko putol na din ang isang braso ko. Nakakalungkot.. sobrang lungkot... Kaya ang magsyota na yan, magkakahiwalay din tulad namin isa taon, dalawa taon o baka tatlong buwan lang. (hahaha bitter talaga ako)
Nabalitaan ko kahapon ikinasal na sya sa bago nyang bf at nagsupaan sila na magmamahalan habambuhay.  Habambuhay? hahaha Naks naman! may pagasa pa pala ako sa kabilang buhay. Kung ako lang sana ang pinakasalan nya maging sa kabilang buhay susumpa ako.

Gusto ko na nga magsuicide para dun sa kabilang buhay ko nalang sya antayin. Dadalahin ko nalang mga ala-ala namin nung magkasama pa kami at muli ko itong ipapaalala sa kanya. Romantic di ba?  pero hindi ko alam kung saan ako mapupunta tapos nun. Baka naman nasa impyerno ako tapos sya nasa langit e di ganun din palpak parin ang plano ko, sayang pa ang eport at tiyak papagalitan ako ni inang dahil wala syang pampalibing sa akin. Pesteng life.                             
***
Kakaisip ng kung ano-anu heto at napadpad ako sa dati naming tagpuan, sa ilalim ng punong mangga sa tapat ng simbahan. Matagal ko na din iniiwasan ang lugar na 'to pero dito ako dinala ng aking mga paa. kung bakit? Hindi ko din alam.

Maya-maya pa'y biglang nagiba ang pakiramdam ko, bumilis ang tibok ng puso ko at kinabahan dahil nakita ko sya nakaupo duon sa dati naming tagpuan. Natatakpan ng kanyang buhok ang buo nyang mukha habang nakayakap sa kanyang tuhod tila umiiyak. Mabilis ko syang nilapitan pero mabigat ang bawat hakbang na parang may pumipigil sa akin. Umupo ako sa tabi nya, gusto ko sana syang yakapin ngunit hindi ko kaya. Mali ang gagawin ko may nagmamayari na sa kanyang iba.

"N-Nandito k-ka pala... B-Bakit?" nauutal kong tanong.

"Mahal mo ba sya?" sinagot nya ako ng isang tanong na hindi ko alam kung sino ang tinutukoy nya dahil ni minsan hindi ako nagmahal ng iba.

"Wala akong ibang minahal kundi ikaw" hindi ko na napigilan yakapin sya.

"sandali!!!"

Mabilis nya akong tinulak at sinampal. Gumimbal sa aking ang babaeng hindi ko kakilala.

"Pasensya ka na miss akala ko ikaw yung..."

"Yung ex mo?!" putol nya.

Pinandilatan nya ako ng mata sabay inihampas sa dibdib ko ang piraso ng papel. Malakas ang pagkakahampas na halos iluwa ko ang baga ko sa lakas.

"Hayan basahin mo galing sa kanya yan"

Binasa ko ang nakasulat pero hindi ko ito maintindihan walang letra at kung ano-anong karakter  ang nakasulat.  At nung tatanungin ko na sana sya bakit ganun ang nakasulat, bigla syang nawala. Napagtripan ba ako o guni-guni ko lang ang lahat? Pero nasa akin ang ebidensya, ang sulat na inabot nya.
Imbes na matakot lalo ako nagkaroon ng pagasa na muli kong makikita si Anya. Araw-araw bumabalik ako dito sa puno at tinitingnan ang sulat na hindi ko naman maintindihan. Wala naman sigurong masama kung umasa ako at maniwala sa bagay na walang kasiguraduhan at di nakikita.

***
Habang nakaupo ako sa damuhan sa ilalim ng puno, may narinig akong boses mula sa likod ko. Kung hindi ako nagkakamali bumalik ang babaeng nagbigay ng sulat.

"Hindi mo talaga maiintindihan yan! halika samahan mo ako" Mabilis nyang hinatak ang aking kamay kaya nasubsob ako sa damuhan at nadumihan ang puti kong tshirt. Nagpunta kami sa isang restaurant. Uhaw at gutom na gutom na raw sya habang ako naman ay hindi nakakaramdam ng gutom. Pinagmamasdan ko lang sya habang kumakain, dun ko lang napansin ang kanyang ganda.  Ang matangos nyang ilong, maamong mata, maliit na labi at ang pagkakalugay ng kanyang buhok na lalong nagpatingkad sa kanyang kagandahan.

TOINK!!! malakas na konyat mula sa kanya ang nagbalik sa aking kahibangan

"Makinig ka sa sinasabi ko!!!"

Sabay sigaw at pinandilatan nanaman ako. Naku kung hindi lang 'to babae sinapak ko na 'to kanina pa. 
"Sorry..." tipid kong sagot sabay kamot sa ulo.

Kung ano-ano ang ikinuwento nya nung araw na yun pero hindi ko iyon iniintindi dahil hindi naman yun ang mahalaga sa akin. Ang mahalaga ay kung ano ang ibigsabihin ng sulat na ibinigay nya at kung kelan kami magkikita ulit ni Anya.

Nasundan pa ang mga pagkikita namin na yun at parang nadedevelop na ako sa kanya. Nakikita ko ang katauhan ni anya sa kanya, ang mga sampal at konyat na inaabot ko tuwing di ko sya pinakikingan walang sakit pero tumatagos hanggang puso ko. Napagod na siguro ako kakahintay sa taong hindi naman dumarating kaya heto pilit kong hinahanap sa kanya ang pagkakatulad nila.   

Isang araw pinagtapat nya sa akin na may kakayahan daw syang makuha ang panaginip na ligaw mula sa mga taong biglang nagigising ngunit wala syang kapangyarihan na ibalik ang mga ito. Pinagtawanan ko lang sya kasi ang weird diba? pero seryoso sya nung sinabi nya yun sa akin. Marami sana akong gusto itanong pero hindi naman ako makasingit tuwing nagkukwento sya, ang gusto nya lang sya lang ang pinakikinggan. Mga babae nga naman... 

Kilala nya raw si Anya mula nung bata pa at parehas daw silang nakakakita ng panaginip ng iba, sya daw ang nagturo sa kanya upang lumawak ang kapangyarihan pero di kalaunan nawala na daw kay Anya ang kakayahan dahil di neto madalas gamitin sa personal na kadahilanan. Ipinahiram nya raw ang panaginip nya kaya ang taong nakakasama ko madalas ay hindi sya, kundi si Anya. Para akong  binuhusan ng malamig na tubig nung oras na yun, sandaling tumigil ang mundo ko. Hinawakan nya ang aking kamay at sinabi:

"Wala ka tunay mong mundo, ikaw ay nasa pagitan ng tulog at gising, hindi mo alam ang pagkakaiba sa pagitan ng katotohanan at pantasiya. Nilikha ka at niligaw mula sa panaginip ni Anya."

Mula nuon hindi ko na sya muling nakita pa. Paulit-ulit lang ang lahat at nandito parin ako naghihintay at umaasa na isang araw muli syang babalik upang tuparin ang isinulat nya sa papel.


Ikaw ay nasa lugar at oras kung saan ako masaya, 
muli akong pipikit at matutulog upang makasama ka.
-Anya



Lagi kitang naaalala
Kahit na pilitin kong limutin ka.
Nilimot na kita sa aking buhay
Ngunit pangarap din kita.

Habang ikaw ay nililimot
Ay lalong sumisidhi ang pag-irog.
Sa aking puso ay nakalarawan,
pag-ibig mo, lamang.

Kung tunay ang tanging pagmamahal
Ay di mapaparam
Habang nagdudulot ng pighati
Lalong di mapawi.

Lagi kitang naaalala
Kahit na pilitin kong limutin ka.
Sa aking puso ay nakalarawan
pag-ibig mo, hirang.

Pag-ibig ko'y laging ikaw
-Levi Celerio

Article 4

$
0
0
Wag mo syang hanapin,
Hindi sya nawawala.
Hindi ka nya makikita,
Kasi wala syang mata.
Bakit aantayin mo,
Kilala mo ba sya?
Baka kaharap mo na

Happy Valentines!
Viewing all 49 articles
Browse latest View live